Naniniwala ang anim sa bawat 10 Pilipino na lumala ang kalidad ng kanilang buhay sa nagdaang 12 buwan.
Batay sa November 2020 Survey ng Social Weather Stations (SWS), 62% ng adult Filipinos ang nagsabing lumala ang kanilang buhay.
Nasa 24% naman ang nasabing walang nagbago, habang 14% ang naniniwalang gumanda ang kanilang buhay.
Katumbas ito ng Net gainers score na -48 o ‘extremely low’ kahit mataas ng 28 puntos sa -76 na naitala noong Setyembre o ‘catastrophic.’
Ang net gainers ay nananatiling ‘catastrophic’ sa Metro Manila (-55) at Visayas (-56).
Ang Balance Luzon ay ‘extremely low’ na may -43 net gainers score, habang -48 sa Mindanao.
Ang survey ay isinagawa mula November 21-25 sa 1,500 respondents.
Facebook Comments