Nanganganib na madapuan ng Polio Virus ang nasa anim sa bawat 10 kabataan na may edad limang taong gulang pababa.
Sa datos ng World Health Organization (WHO), 40% lang ng mga kabataan sa bansa ang nabakunahan laban sa Type-2 Polio Virus.
Mas delikado sa Polio ang mga kabataan na nakatira sa lugar na may kumpirmadong kaso na ng Polio.
Tatlong oral doses at isang injectable o turok ang kailangan para makumpleto ang Polio Vaccine.
Epektibo kontra sa Polio Virus Type 1 at 3 ang oral polio vaccine habang ang injectable vaccine naman ay laban sa Type 2.
Pero ayon kay WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, marami sa mga kabataan ang hindi na umaabot sa injection.
Inaasahang darating ang mga bakuna ng WHO sa loob ng 10 araw.
Ang malawakang pagbabakuna ay gagawin sa Oktubre.
Una nang sinabi ng WHO na nananatiling Polio free ang bansa kahit may dalawang kumpirmadong kaso na sa Lanao Del Sur at Laguna.