Anim sa pitong suspek sa panghoholdap at panggagahasa sa isang working student sa Caloocan, arestado

Caloocan City – Arestado ang anim sa pitong suspek na nangholdap at nanggahasa sa isang 19-anyos na working student sa Caloocan City.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Michonne, naglalakad siya sa Dagat-Dagatan Avenue, Barangay 28 nang harangin siya ng mga suspek na
magpipinsan na sina Bobby Cabuang, Donut Cabuang, Sherwin Cabuang at Damian Cabuang kasama ang dalawang menor de edad na itinago sa mga pangalang Marlo, 17-anyos atabe, 16-anyos at isang Ryan Reyes.
Agad siyang tinutukan ng patalim ng mga suspek at nagdeklara ng holdap kung saan nang maibigay niya ang gamit at pera ay kinaladkad siya sa gilid ng isang nakaparadang van saka pinilahang gahasain.
Matapos nito ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek subalit agad naman nakahingi ng tulong ang biktima dahilan para maaresto ang anim sa mga ito habang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga otoridad para madakip ang nakatakas na si Reyes.

Facebook Comments