Mas pinaiigting pa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan city ang pagsulong sa Animal Bite Prevention sa siyudad bilang pagpapaigting pa sa seguridad ng mga residente pagdating sa mga kagat ng mga alagang hayop.
Isa kasi sa mga idinudulog na concern sa siyudad ay ang mga animal bite cases na kanilang naitala dahil sa panahon ngayon kung saan madalas nagiging iritable ang mga alagang hayop.
Paalala ni Dr. Daniel Paolo Garcia, OIC City Veterinarian, huwag sanang pababayaan ng mga pet owners ang kanilang mga alagang hayop na gumala-gala ng basta-basta dahil dito naguumpisa ang pagkakakalat o transmission ng Rabies Virus.
Ang Rabies Virus ay galing sa infected saliva o laway ng hayop na may rabies at maaari itong maipasa sa mga Uninfected Animals kung saan nagiging sanhi ng pagtaas ng kaso ng Animal Bite.
Nais na maagapan ito ng City Health Office (CHO) sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagsulong sa Animal Bite Prevention sa lugar gaya ng bakuna ng Anti-Rabies Vaccine sa mga alagang hayop. |ifmnews
Facebook Comments