BAYAMBANG, PANGASINAN – Ipinaalala naman ng Municipal Health Office ng Bayambang ang publiko ukol naman sa tumataas na bilang ng mga indibidwal na nakakagat ng mga hayop at nangangailangan ng bakuna kontra rabies ngayong panahon.
Ayon sa pinakahuling datos ng MHO sa pangunguna ni Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, ang Animal Bite Training Center (ABTC) sa RHU I ay may labing dalawang bagong kaso, 35 ongoing treatments at sampung IECs on rabies at COVID-19 vaccines.
Ipinaalala naman ng MHO na kahit pa libre ang injection sa ABTC at ang bawat immumoglobulin shot para sa Category 3 bites ay nagkakahalaga ng P6,000, mas mainam umano na iiwas ang lahat sa dadanasing sakit na dulot ng iniksyon lalo na sa mga bata, sapagkat ito ay isang traumatic experience para sa kanila.
Samantala, binigyan din naman ng payo ang may mga alagang hayop na kung maaari ay pabakunahan nila ang kanilang mga alaga ng sa gayon ay maiwasan naman ang mas malalang problema kalaunan.###