ANIMAL BITE TREATMENT CENTER SA SAN FABIAN, BINUKSAN NA

Inaasahang mas bibilis ang gamutan sa anumang kagat o kalmot ng hayop sa mga residente ng San Fabian kasunod ng pagbubukas ng Animal Bite Treatment Center.

 

Layunin na agad mabigyan ng lunas at proteksyon kontra rabies at iba pang sakit mula sa hayop ang mga residente nang hindi na dumadayo sa ibang bayan o pagamutan.

 

Libreng magagamot ang mga indigent na residente sa bayan kalakip ng Certificate of Indigency kapag bibisita sa pasilidad, may kaukulang bayad naman na P350 para sa mga non-indigent na residente habang P850 naman para sa mga hindi residente ng San Fabian.

 

Itinuturing naman ng mga residente na malaking tulong ang pagpapatayo ng pasilidad dahil sa malaking bawas sa bayarin para sa mga kapos at nangangailangan ng panggamot.

 

Matatagpuan ang Animal Bite Treatment Center sa Rural Health II sa Brgy. Mabilao, San Fabian.

Facebook Comments