Mahigpit na ipinatutupad sa lalawigan ng Ilocos Sir ang umiiral na Animal Quarantine Checkpoints sa bisa ng Province Quarantine Ordinance.
Ayon sa Provincial Veterinarian Office, may mga Animal Quarantine checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan kung saan tinitiyak na hindi apektado ng anumang sakit ang mga alagang hayop na ipinapasok sa lalawigan.
Ilan sa mga quarantine checkpoints na ito ay nasa Sinait, Narvacan, Tagudin, at sa Cervantes.
Tinitiyak rin ng tanggapan na ang lahat ng kanilang mga produktong kanilang inilalabas sa lalawigan ay ligtas at walang dalang sakit.
Nagsasagawa rin umano sila ng inspection at apprehension sa mga violators ng naturang ordinansa kung saan may nakikitaan ng kakulangan sa papeles at dokumento. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments