Animal shelter area, inihanda rin ng Valenzuela City para sa mga alagang hayop; 128 individuals, nailikas na sa Valenzuela National High School

Naglagay ng Animal Shelter Area ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City kasabay ng paghagupit ng bagyong Rolly.

Bukod sa preemptive evacuation na isinagawa ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay sa lungsod ay naglagay ng lugar para sa mga hayop sa Valenzuela National High school.

Dito ay pwedeng dalhin ang mga alagang hayop na walang paglagyan sa mga bahay gayundin ang mga napabayaan na nasa labas ng tahanan.


Kumpleto ang animal shelter area mula sa animal cages na paglalagyan sa mga ito hanggang sa cat and dog foods.

Samantala, aabot naman sa 34 families o 128 individuals mula sa Barangay Marulas ang nailikas sa Valenzuela National High school.

Ang mga residente ay may kaniya-kaniyang tents upang matiyak ang social distancing sa ibang mga tao.

Nakatanggap din kanina ang mga evacuees ng comfort pack o beddings, family pack na naglalaman ng ng hygiene kits, gayundin ay nabigyan din ang mga ito ng food packs o hot meals at snack kit.

Facebook Comments