ANIMAL SHELTER, ITINAYO BILANG TUGON SA ISYU NG MGA GALANG ASO AT PUSA SA BAYAMBANG

Pormal nang binuksan ang Bayambang Animal Shelter bilang tugon sa dumaraming bilang ng mga gala o ligaw na aso at pusa sa bayan.

Ang pasilidad ay inilunsad bilang bahagi ng Pista’y Baley 2026 at layong matugunan ang problema sa stray animals at maiwasan ang banta ng rabies sa komunidad.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magsisilbi itong ligtas na pansamantalang tirahan ng mga hayop na napapabayaan at walang masisilungan.

Hinimok din ang mga residente na makiisa at suportahan ang programa bilang bahagi ng kolektibong responsibilidad sa pangangalaga sa mga hayop. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments