ANIMNAPU’T SIYAM NA MAGSASAKA SA MANGALDAN NAKATANGGAP NG CASH ASSISTANCE MULA SA LGU

Nakatanggap ang nasa animnapu’t siyam na mga magsasaka sa bayan ng Mangaldan ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng bayan.
Sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations ng ahensyang DSWD nakatanggap ang mga nasabing benepisyaryo ng tulong ng LGU Mangaldan.
Binigyan linaw ng alkalde ng bayan na si Mayor Bona Parayno na ang mga proyektong nanggagaling sa gobyerno ay ibabahagi sa mga nararapat makatanggap nito.

Samantala, ang programang ito ay mula sa pinagsanib-puwersa ng Municipal Agriculture Office at ng Municipal Social Welfare and Development Office kung saan nagkaroon din ng pagpupulong ang Palua Farmers Association tungkol sa kanilang farming facilities at iba pa.
|ifmnews
Facebook Comments