Matapos manalasa ng Bagyong Rolly, bumagsak sa pitong piso (₱7) ang bilihan ng kada kilo ng palay sa Albay.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), hindi na mapapakinabangan ng tao para kainin ang mga palay na nabasa at ang iba naman ay natabunan ng putik.
Tiniyak naman ng DA na bibilhin pa rin ito ng National Food Authority (NFA) para gawing feeds na pagkain naman ng mga hayop.
Sa kabuuan, umabot na sa 2.9 billion pesos ang sinira ng Bagyong Rolly sa sektor ng agrikulura sa Bicol Region at Southern Tagalog kung saan 1 billion pesos dito ay sa palay.
Facebook Comments