Anjo Damiles, ibinahagi kung paano nalagpasan ang pinagdaanang depression at severe anxiety ngayong COVID-19 pandemic

Matapang na nalagpasan ng aktor na si Anjo Damiles ang pinagdaanan niyang sakit ngayong COVID-19 pandemic matapos ma-diagnose siya na mayroong depression at severe anxiety.

Ayon kay Anjo, nagkaroon siya ng naturang mga sakit noong Hunyo ng nakaraang taon.

Aniya, mahirap para sa isang tao na laging abala sa mga gawain at trabaho na bigla na lang matitigil at walang gagawin dahil sa pandemya.


Sinabi ng aktor, sa tulong ng kaniyang pamilya, psychiatrist, ininom na gamot at higit sa lahat ang pananalig sa Diyos, bumuti na ang kaniyang pakiramdam.

Dagdag pa niya, gumawa siya ng paraan para maging abala upang mayroong ibang iniisip tulad ng pagpasok sa food business at pag-o-online games.

Sa kabila nito, nagbigay payo si Anjo na huwag kalimutan na ngumiti at maging masaya kahit madilim ang hinaharap ng buhay.

Sinabi pa ni Anjo na huwag husgahan ang mga taong nakararanas ng ganitong sakit bangkus tumulong at makinig sa mga taong may pinagdadaanang problema.

Facebook Comments