Anne Curtis, aminadong nakipag-date sa iba kahit may karelasyon

Hindi inurungam ng aktres na si Anne Curtis ang mga tanong kaugnay sa isyu ng pangangaliwa o pagtataksil sa karelasyon.

Sa interview sa kanya ng kanyang kaibigan na si Vice Ganda, matapang na sinagot ni Anne na nasubukan na niyang magtaksil.

Pero paglilinaw ng aktres, matagal na daw iyon na nangyari kung saan nagsimula siyang makipag-date sa iba dahil parang break na sila kahit hindi pa ng nakarelasyon noon.


Bata pa rin daw siya noon kaya hindi muna nag-iisip.

Pero ngayon daw ay alam na nito ang tama sa mali at never na niya itong gagawin.

Si Anne ay happily married na ngayon sa restaurateur at vlogger na si Erwan Heusaff.

Facebook Comments