Anne Curtis, mag-o-over the bakod na rin?

“Kalma lang!”

Ito ang sagot ng aktres na si Anne Curtis sa kanyang fans matapos ang chismis na lilipat na rin ito ng mother network tulad ng kasamahan na si Bea Alonzo na isa nang certified Kapuso.

Nabatid na nagkaroon kasi ng virtual meeting sa mga executive ng Kapuso Network at si Anne kaya mabilis na kumalat ang balitang mag-o-over the bakod na rin siya.


Pero say ni Anne, mayroon lang nilulutong pelikula ang Viva at GMA kung saan hindi pa ito sigurado at babalik pa siya sa kanyang noontime variety show.

Si Anne ay 17 years nang Kapamilya.

Facebook Comments