Anne Curtis, patuloy ang pagtulong sa ating mga frontliners kahit nasa Australia

121

Kahit malayo ngayon sa bansa, patuloy pa rin sa pagtulong ang kapamilya star na si Anne Curtis.

Partikular na tinutulungan ng aktres ang ating mga frontliners sa pakikipaglaban sa Coronavirus pandemic.


Sa kanyang instagram account, ipinakita ni Anne ang first batch ng donasyon ng mga alcohol at medical gloves para sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), San Lazaro Hospital, Jose Rodriguez Memorial Hospital, at Lung Center of the Philippines.

Kasabay nito, nagpasalamat si Anne sa mga health workers at iba pang frontliners sa dedikasyon at kanilang pagsisikap.

Patuloy daw niyang ipagdarasal ang kanilang kaligtasan.

Bukod rito, bilang National Goodwill Ambassador ng United Nations Children’s Fund, nanawagan din si Anne ng tulong para naman sa mahihirap natin kababayan.

Si Anne ay kasalukuyang nasa Australia ngayon kasama ang kanyang asawang si Erwan Heussaff matapos siyang manganak sa panganay nila na si baby Dahlia Amelie.




Facebook Comments