Annual Assembly ng mga dating Rebelde, Matagumpay na Idinaos!

34

*City of Ilagan, Isabela-* Matagumpay na isinagawa ang Annual Assembly ng mga sumukong kasapi ng New People’s Army (NPA) sa buong Isabela sa pangunguna ni Manuel Acierto, BRO Manager, na ginanap kamakailan sa City of Ilagan, Isabela.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Staff Sergeant Jake Lopez, 5th CMOBn, 5th D, PA, namahagi ang militar sa 138 na mga sumukong dating kasapi ng NPA ng livelihood at financial assistance program at mga grocery items.

Kaugnay nito ay tatlo sa mga ito ang maswerteng nabiyayaan ng financial assistance mula sa programa ng militar at pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng AFP na nagkakahalaga ng tig-animnapu’t limang libong piso (P65,000.00).

Ayon pa kay Ssgt. Lopez, naging masaya naman ang mga nagbalik loob sa pamahalaan dahil aniya sa mas tahimik na pamumuhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nanawagan naman ang nasabing opisyal sa mga aktibong grupo ng CPP-NPA na sumuko na lamang at matamasa ang inilaang programa ng pamahalaan para sa mga susuko.

Facebook Comments