ANNUAL BUDGET AT ANNUAL INVESTMENT PROGRAM NG MGA SK AT BARANGAY SA BAYAMBANG PARA SA TAONG 2024, DININIG

Dininig sa isinagawang committee hearing ang mga Annual Budget at Annual Investment Program o AIP ng SK at Barangay sa bayan ng Bayambang.
Isinagawa ng Sangguniang bayan ang naturang pandinig upang dinggin at pag-usapan ang ukol sa mga paglalaanan ng Sangguniang Kabataan at mga Barangay sa budget at mga pangunahing programang kanilang inilatag at iprinisenta kung saan lahat ng ito ay gagamitin at isasagawa ngayong Calendar Year 2023.
Pinangunahan ang naturang pandinig ng Committee on Finance, Budget, and Appropriations Chairman, Committee on Youth and Development Chairman, at Committee on Rules, Laws and Ordinances Chairman na siyang sumiyasat ng mabuti sa mga programang inilatag at kung saan ilalaan ang budget na kanilang hinihiling.

Nasa pandinig rin ang mga Barangay President, isang counselor, at SB Legal Council.
Ginanap naman ito sa SB Session Hall, Legislative Building. |ifmnews
Facebook Comments