Annual Budget ng 9 Barangay sa Cauayan, Aprubado Na!

15

Cauayan City,Isabela – Sinang-ayunan na kahapon sa ginanap na sesyon ng Cauayan City Council ang taunang pondo para sa siyam na barangay sa lungsod.

Nauna ng nagpaabot ng liham sa tanggapan ng city mayor si City Budget Officer Virgilio L. Trinidad at kaagad namang nailatag ito sa Committee on Appropriation, Finance, Ways and Means.

Pagkatapos ng masusing ebalwasyon, nakumpleto ng siyam na barangay ang lahat na kaukulang papel at nairekomendang paglaanan ng pondo sa taong 2018.

Kabilang sa mga barangay na mabebeipisyo ng nasabing pondo ay ang barangay Andarayan, Naganacan, District 3, Guayabal, Amobocan, Minante 2, San Antonio, Catalina at Brgy. Rogus.

Facebook Comments