ANNUAL BUDGET NG MANAOAG, APRUBADO NA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang inihaing annual budget para sa taong 2023 ng local government unit ng Manaoag matapos ang mabusising pag-deliberasyon sa naturang pondo sa bawat departments.
Nasa 256 million pesos ang naipasang annual budget kung saan ilalaan ito sa inihaing mga proyekto at programa sa bawat departamento ng naturang lokal na pamahalaan.
Bago ipinasa sa Sangguniang Panlalawigan ang naturang budget ay dumaan muna ito sa maprosesong deliberasyon sa sangguniang bayan at hinimay ang mga kakailanganin ng bawat departamento at opisina at siniguradong sa tama magagamit ang pondong ilalaan para sa mga ito.

Malaking bahagi sa pondo ng bayan ang pagpapalago ng kanilang ekonomiya at pagtugon sa negatibong epekto ng COVID 19 sa mga negosyo at trabaho at maging mapababa ng sampung porsyento ang unemployment rate at mapataas ang local revenue ng dalawampung porsyento.
Nais rin ng LGU Manaoag na maitaas ang kanilang kita at gawing abot-kamay ang mga unang pangangailangan ng mga kanilang mga nasasakupan tuload na lamang ng serbisyong medikal at produksyon ng agrikultura.
Meron ding inilaan na pondo para sa Personal Services na nakapaloob ang pasweldo sa mga empleyado at kawani ng LGU at ilan pang mga infrastructures at development projects.
Sisiguraduhin umano ng lokal na pamahalaan na magkakaroon ng transparency and accountability sa lahat ng pondong gagamitin nang sa gayon ay makarating talaga sa kanilang mga nasasakupan at mga serbisyong nararapat para sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments