Manila, Philippines – Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping na pumunta ng Beijing sa Abril ng susunod na taon.
Ito ay para sa annual forum tungkol sa massive infrastructure program.
Una nang sinabi ni Xi na nais niyang makadalo si Duterte sa ikalawang belt and road forum para matalakay nila ang China-Philippines cooperation.
Sakaling matuloy, ito na ang magiging pang-apat na beses na pagpunta ni Duterte sa China simula maupo ito noong 2016.
Facebook Comments