Annual Medical Examination ng mga Guro sa Isabela, Sasagutin ng Provincial Government

21

Cauayan City, Isabela- Inaprubahan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang hiling ng pamunuan ng Schools Division Office- Isabela para sa libreng pagsasailalim sa Annual medical examination ng 12,748 ng mga teaching at non-teaching personnel nito.

Ito ay upang matiyak na ligtas sa banta ng COVID-19 at mailayo sa anumang uri ng sakit ang mga kaguruan.


Nagpasalamat naman si Dr. Madelyn Macalling, Division Superintendent ng Isabela sa suporta na ipinagkaloob ng Provincial Government para sa pagsagot sa gastusin ng taunang medical examination.

Isasagawa naman ang nasabing libreng annual examination sa mga government hospital gaya ng GFN.Dy Sr. Memorial Hospital, Roxas District Hospital at iba pa.

Nauna na ring nakipag-ugnayan ang pamunuan ng SDO Isabela sa mga ospital kung saan isasagawa ang medical examination ng mga guro gayundin para matiyak ang kahandaan ng mga ito at masunod pa rin ang umiiral na pagpapatupad na health protocol.

Facebook Comments