Annual medical, oral, optical at dental examination, pangunahing pangangailangan ng mga senior citizens sa bansa ayon sa NCSC

Taon-taon ay dapat na mayroong medical, oral, optical at dental examination ang mga nakatatanda o senior citizens.

Ito ang inihayag ni National Commission of Senior Citizens (NCSC), Chairperson Atty. Franklin Quijano sa Laging Handa briefing.

Aniya, adbokasiya nang kanilang tanggapan na hikayatin ang mga nakatatanda na magkaroon ng produktibong buhay, kaya mahalagang mapangalagaan ang kalusugan ng mga matatanda para humaba pa ang buhay.


Naniniwala si Atty. Quijano na health is wealth at ito ay magreresulta sa mas malakas na bansa.

Samantala, sa ngayon nagpapatuloy naman ang pakikipag-ugnayan ni Atty. Quijano sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga senior citizens, isa na rito ang social pension na ibinibigay sa mga indigent, sakitin at mga mahina nang senior citizens.

Facebook Comments