Ginunita ang taunang International Day of Remembrance for Road Traffic Victims, Survivors and Their Families sa Brgy. Umangan, Mangatarem, Pangasinan.
Ang paggunita ay alinsunod sa Republic Act No. 11468 na pinamagatang An Act Designating the Third Sunday of November Every Year as The National Day of Remembrance of Road Crash Victims, Survivors and their Families.
Pinangunahan ito ng ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem sa pamumuno ni PMAJ Arturo C. Melchor Jr., kasama ang ahensya ng Land Transportation Office, at San Carlos City District Office.
Nakiisa ang lahat sa paggunita sa pamamagitan ng candle lighting, pamamahagi ng IEC Materials at pagpapaalala na lahat ng motorista ay kinakailangang may suot na protective equipment. Matatandaan na ang bayan ng Mangatarem ay ang may pinakamataas na mga kasong naitalang road accidents and incidents.
Nagsisilbing eye-opener ang paggunitang ito sa mga taong napinsala dahil sa mga kalsada at isang pagpapaalala ng agarang legal na mga pagtugon sa mga road accidents, at road emergencies na mangyayari.
Mangyari rin ang pagtaguyod ng mga aksyong nakabatay sa ebidensya upang mabawasan o mahinto ang karagdagang mga road deaths and casualties, hindi lamang sa bayan ng Mangatarem, gayundin din ay nararapat lamang na ilunsad sa bawat bayan. |ifmnews
Facebook Comments