Manila, Philippines – Masaya ang aktres na si Sunshine Cruz sa pagpapawalang bisa sa kasal nila ng dating asawang si Cesar Montano.
Ayon sa actress, halos maiyak siya ng ibalita ng kaniyang abogado ang desisyon ng korte sa kanilang annulment case.
Magugunitang noong Mayo 2014 ay naghain ng annulment case ang actress matapos silang magkahiwalay ni Montano.
Umabot sa 13 taon nagsama ang dalawa kung saan biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.
Facebook Comments