ANNUNCIATION OF THE LORD PARISH SA DAGUPAN CITY, PANSAMANTALA MUNANG ISASARA

DAGUPAN CITY – Sarado na muna ang simbahan ng Annunciation of the Lord Parish sa Brgy. Bonuan sa lungsod ng Dagupan matapos mahawaan ng COVID-19 ang ilang kawani nito.

Sa inilabas na pahayag ng simbahan, positibo ang dalawang parish staff ng simbahan kung kaya’t sa mandato ng IATF at ng lokal na pamahalaan isasara sa publiko ng tatlong araw ang simbahan.

Kahapon, ika-11 ng Setyembre nagsimula ang pagsusupinde ng lahat ng aktibidad ng simbahan gaya ng binyag na magtatagal hanggang sa ika-14 ng Setyembre.


Hinikayat naman ng opisyal ng simbahan na tumutok na lamang muna sa kanilang misa sa pamamagitan ng kanilang livestream sa Facebook fan page nito.

Sa ika-15 ng Setyembre o araw ng Miyerkules itutuloy ang public celebration ng misa sa simbahan.

Facebook Comments