Manila, Philippines – Magpupulong ngayong araw ang mga Senador at Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagpapalawig ng isang taon ng martial law sa Mindanao.
Nais marinig ng mga senador ang naging batayan ng security officials para imungkahi ang isang taong martial law extension sa Mindanao.
Bukod dito, nais ding malaman ng mga senador ang epekto sa ekonomiya ng Mindanao ng umiiral na martial law at kung may mga nangyayaring mga paglabag sa karapatang pantao.
Dahil naman sa briefing ng security officials, kanselado ang nakatakda sanang panibagong pagdinig ng Committee on Public Information and mass media kaugnay sa ‘fake news’.
Facebook Comments