Alamin ang mga ipatutupad na patakarang dapat sundin ng mga tao nakatira sa loob ng General Community Quarantine (GCQ) bubble.
Matatandaang inilagay ng pamahalaan ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal sa ilalim ng GCQ bubble para mabaligtad ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa ilalim ng GCQ bubble, bawal ang non-essential trips papasok at palabas ng nasabing area bubble.
Malayang bumiyahe ang mga taong nasa loob ng area bubble pero magkakaroon ng checkpoints sa borders ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at sa mga katabing lalawigan.
Sino ang malayang makapasok at makalabas ng GCQ bubble.
– Ang mga essential workers basta may suot ng company ID
– Health and Emergency Frontline Services
– Government officials at Government Frontliner Personnel
– Duly authorized humanitarian assistance actors
– Mga kailangang bumiyahe para sa medical o humanitarian reasons
– Ang mga indibidwal na kailangang magpunta sa airport na may biyahe abroad.
– Ang mga tatawid ng GCQ bubble para pumasok sa trabaho o pauwi sa kanilang mga bahay
– Returning OFWs
Ang public gatherings ay hindi papayagan maliban sa kasal, binyag, funeral services basta limitado lamang sa 10 tao ang pwedeng pumunta.
Mananatili ang pampublikong transportasyon at ang operational capacity nito.
Umiiral din ang uniform curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Ang may edad 18 hanggang 65 lamang ang pwedeng lumabas ng bahay.
Ang mga restaurant ay bukas pero para lamang sa take-out, delivery at outdoor dining.
Ang mga kumpanya ay hinihikayat na magpatupad ng work-from-home arrangement o gayahin ang 30-50% operational on-site capacity.
Limitado sa 50% capacity ang ilang personal care services tulad ng barbershops at parlors.