Ipinaliwanag ng pamahalaan ang ipinatupad na General Community Quarantine “with heightened restrictions” sa NCR plus bubble.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tanging essential travels lamang nag papayagan papasok at palabas ng NCR plus.
Mananatili ang pampublikong transportasyon alinsunod sa guidelines ng Department of Transportation (DOTr).
Itataas sa 20-percent ang indoor dine-in services sa NCR plus habang 50-percent ang seating capacity sa outdoor dining o alfresco.
Maaaring mag-operate sa 30-percent capacity ang outdoor tourist attractions sa NCR plus.
Pinapayagan din ang specialized markets ng Department of Tourism (DOT).
Nasa 10% ang venue capacity para sa religious gatherings at necrological services at funerals.
Pwede na rin sa NCR plus ang non-contact sports, outdoor contact sports; 30% capacity sa mga salon, parlors, barbershops at beauty clinics.
Papayagan ding lumabas ng bahay ang nasa 18-anyos hanggang 65-anyos sa NCR plus areas.
Ang mga entertainment venues, tulad ng bars, concert halls, theaters; recreational venues, gaya ng internet cafes, billiards halls, arcades; amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts at venues, at indoor tourist attractions; meetings, conferences, exhibitions ay hindi pa rin pwede sa GCQ with heightened restrictions.
Interzonal travel mula NCR Plus areas, maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) ay bawal pa rin.