Pag dating sa usapang pag-ibig, lahat tayo ay may sari-sariling opinion o perspective kung paano natin nakikita ito. May mga taong takot magmahal pero takot lang sila masaktan o mag-tiwala, may mga tao naman na punong-puno ng pag-ibig at naibabahagi ito sa iba’t ibang paraan tulad ng pagmamahal sa magulang, sa mga kaibigan, sa pamilya, at ang pinaka-importante, sa sarili. May iba’t ibang uri ang pagmamahal pero kailan nga ba ang tamang panahon upang mahalin mo ang gusto mong makasama habang-buhay? Don’t worry, idol! Naririto ang mga tips upang malaman kung oras na ba para mag-buhay pag-ibig!
- Alam mo na kung gaano ka-importante ang komunikasyon.
Importante ang komunikasyon sa isang relasyon dahil dito niyo naipapahayag ang inyong saloobin at kung ano man ang inyong opinyon. Hindi dahil mayroong “non-verbal communication” ay hindi ka na magsasalita dahil hindi naman kayang basahin ng magiging partner mo ang iyong naiisip at hulaan kung ano ang gusto mong mangyari o kung ano ang gusto mong sabihin. Laging tatandaan na “communication is bound to fail” kaya gawin nito lahat upang maging successful ito dahil hindi maiiwasan ang miscommunication sa isang relasyon ngunit magiging matagumpay lamang ito kung paano niyo aayusin at kung paano maso-solusyunan ang mga problemang parating pa lang.
- Masaya ka kahit single ka.
Kung hindi ka masayang single ka ngayon, mas lalong hindi ka magiging masaya kapag pumasok ka sa isang relasyon dahil ang isang magandang pagsasamahan ay binubuo ng dalawang “independent individuals who are willing to help each other up;” ibig sabihin kaya niyong tumayo mag-isa dahil magtutulungan kayong mag-improve. Kung kinaya niyo na maging better individually, paano pa kaya kung magkasama kayo? Relationship requires teamwork dahil kayong dalawa ang laging magtutulungan in times na kailangan niyo ng kasama.
- Hindi ka naghahanap ng kukumpleto sa’yo.
… dahil sa kanya mo mare-realize na kumpleto ka naman all this time. Naks! Kung hinahanap mo ang kukumpleto sa’yo, hindi mo mahahanap ang nais mo dahil naghahanap ka ng imposible. Ang taong makakakumpleto sa sarili mo ay ang sarili mo mismo. Hindi mo mahahanap ang totoong satisfaction at pagiging kuntento sa sarili kung hahanapin mo pa yan sa iba. Hindi mo kailangan ng bubuo sa’yo dahil ang kailangan mo lang ang taong tatanggap sa’yo nang buong buo.
- Handa ka nang tangappin siya nang buo.
Walang labis, walang kulang. Walang pero at walang bakit. Kung mahal mo talaga ang isang tao, handa kang tanggapin siya kung sino siya kahit ano man ang mangyari. Minsan hindi mo mae-explain kung bakit mo siya mahal, minsan mararamdaman mo nalang talaga. Siya lang ang naiisip mong kasama at hindi mo maisip ang buhay nang wala siya, emotionally at radically, ibig sabihin kaya mo nga mag-isa pero kailangan mo siya dahil kayo ang perfect team and you do everything to make it work, at minsan nangyayari nalang ito. Kung tanggap mo siya nang buong buo, wala ka nang hahanapin at kuntento ka na kung sino siya. Dahil hindi ka naman magmamahal kung
- Handa ka nang isama siya sa parte ng buhay mo.
Minsan, nasanay na tayong mag-isa; mag-isang gigising, mag-isang kakain, mag-isang lumakad pero kapag dumating na ang the one, masasabi mo nalang sa sarili mo na “where has he/she been all my life?” Ang saya, diba? Kasama na siya sa routine mo – maggo-good morning siya sa’yo sa umaga, may good night sa gabi. May unlimited lambing galing sa kanya. At kapag naging parte na siya ng buhay mo, wag mo naman siyang gawing buhay mo dahil sa kanya na iikot ang buong buhay mo kailangan mo din mag-tira para sa sarili mo. Ang pag-ibig ay bigayan, hindi dapat one-sided lamang dahil ikaw ang mahihirapan kung ikaw lang ang nage-effort, dapat ang partner mo rin.
Article written by Patrize Jasel Culang