ANO NGA BA? | Pipino: Prutas o Gulay?

Maaring isa ka sa mahilig gamitin ang pipino tulong sa pagpapaganda o di kaya naman kumain ng nito lalo na kung ang sawsawan ay suka. Narito ang ilan sa mga benepisyong makukuha natin sa pipino:

  1. Kapag ikaw ay ngumuya ng pipino, nakakatulong ito sa iyong mga gilagid, sa pamamaga at may kaakibat na makapagpabango na iyong hininga gawa ng likido nito.
  2. Ito ay nakatutulong sa ating balat na ma-rehydrate o mabalanse ang antas ng tubig sa ating katawan. Isang paraan sa pagkinis at paglusog ng ating kutis.
  3. Nababawasan din ang antas ng “uric acid” sa ating katawan kung tayo ay regular na kakain ng pipino at Malaki ang magagawa nito upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa bato.
  4. Ang “silicon” na matatagpuan sa pipino ay mabisang panlaban sa rayuma, nakapagpapatibay ng mga sugpungan sa ating katawan, “gout” o isang kondisyon na pagsakit ng parte n gating mga paa gawa ng mataas na timbang.

Pero ano nga ba ang pipino, prutas o gulay?


Ang pipino ay isang uri ng prutas pero madalasd napagkakamalang gulay. Sa kabila nito ang pipino ay masustansyang sangkap at malalaki ang nagagawa upang tayo ay ma-“rehydrate” sapagkat ito ay may mataas na antas ng “electrolytes”.

Ayon kay Bing Manlongan na isang vendor na taga Carangalaan Dagupan City ito ay nagmahal ngayon dahil ito ay nasa 40-50 per kilo. Dagdag nito ang kinikita lamang nito sa pagtitinda ng Pipino ay 10 pesos.

Ulat ni Austine Nicole Molina

Facebook Comments