ANOMALYA | Dating budget officer ng PNP SAF, nagsauli ng 37 milyong piso; Pero imbestigasyon dito, tuloy pa rin

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa na nagsauli ng 37 million pesos ang dating Budget Officer ng PNP Special Action Force (SAF) na kabilang sa inireklamo ng plunder at malversation sa Office of the Ombudsman.

May kinalaman ito sa nawawalang halos limampu’t siyam milyong pisong Daily Additional Subsistence Allowance ng mga SAF trooper mula 2016 hanggang 2017.

Ayon kay General Bato, si S/Supt. Andre Dizon na dating Budget Officer ng SAF ang nagsauli ng pera.


Pero sa kabila nito, sinabi ni Dela Rosa na magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon.

Sinabi naman ng kasalukuyang SAF Chief na si Director Noli Taliño na hindi pa naman talaga malinaw kung 59 million pesos ang kabuuang halaga ng subsistence allowance ang hindi na naibigay.

Facebook Comments