ANOMALYA | Dating Health Secretary Garin, inupakan si Senador JV Ejercito sa isyu ng kurapsyon sa Philhealth

Manila, Philippines – Tinawag ni dating Health Secretary Janet Garin na kuryente ang hawak na impormasyon ni Senador JV Ejercito hingil sa anomalya sa philhealth.

Sa Press Conference sa QC, sinabi ni Garin na nabulungan ng maling impormasyon si Ejercito nang sabihin nito na may pananagutan siya gayundin sina PhilHealth interim chief Celestina Dela Serna at dating PhilHealth president Alexander Padilla sa dapat kasuhan sa nangyaring mismanagement ng pondo ng ahensya.

Sinabi pa ni Garin na siya ang paboritong pagtuunan ng pansin tuwing may sigalot pampulitika at kapag may gustong magpapansin para mabigyan ng posisyon ni Pangulong Duterte.


Hinamon pa ni Garin ang Senador na sampahan na lamang siya ng kaso kung talagang may basehan ito sa mga paratang nito.

Facebook Comments