ANOMALYA | NBI, kinasuhan na ang 3 sinibak na DOJ employees; SOJ Aguirre, nagbabala sa pinaiiral na one strike policy

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagsimula na ang National Bureau of Investigation (NBI) na maghain ng kaso laban sa tatlong DOJ employees na sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa pagproseso ng visa sa Bureau of Immigration.

Ayon kay Aguirre, partikular na nasangkot ang mga nasibak na empleyado sa pagproseso ng Immigration Quota Visa kung saan mga Chinese nationals ang kliyente ng mga ito.

Umamin din aniya ang tatlo na ginaya nila ang lagda ng isang DOJ official para mapaniwala ang kanilang Chinese clients, kapalit ng malaking halaga ng salapi.
Nagbabala rin si Aguirre sa iba pang mga empleyado ng DOJ kaugnay ng kanilang pinatutupad na one strike policy.


Inamin ni Aguirre na maraming tukso sa kanilang trabaho partikular ang pagpapalabas ng desisyon sa mga resolusyon at petition for review.

Ang mga sinibak na empleyado ay isinailalim na sa Immigration Lookout Bulletin Order. <#m_1925827096222525859_m_-4428812574559789382_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments