Anomalya sa MFT Group investment, paiimbestigahan ng DOJ

Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang malalimang imbestigasyon sa sinasabing anomalya sa Maria Francesca Tan (MFT) Group investment.

Ito ay matapos maghain ng reklamo ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa MFT Group of Companies Inc. at Foundry Ventures I Inc. dahil sa umano’y illegal investment scheme.

Ngayong araw, sinimulan na ng Task Force on Business Scam sa pangunguna ni Senior Deputy State Prosecutor (SDSP) ang unang preliminary investigation ng mga reklamo sa nasabing korporasyon.


Napag-alaman na nag-aalok ng labingdalawa hanggang labingwalong porsyentong tubo ang MFT sa investors sa pamamagitan ng postdated checks o katumbas ng 1.5 percent na buwanang interes.

Kasunod nito, bibigyan ang investors ng promissory note o kasunduan bilang patunay sa kanilang investment pero itinuturing itong ilegal dahil sa kawalan ng dokumentasyon at hindi rehistrado sa SEC.

Ayon kay Remulla, dapat makasuhan ang nasa likod nito sakaling mapatunayan na niloko ng MFT ang mga Filipino investors.

Facebook Comments