Manila, Philippines – Pinangalanan na ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang tatlong tauhan na sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa pagproseso ng mga visa sa Bureau of Immigration.
Kinilala ang naturang DOJ employees na sina Cyruz Morata, Abvic Ryan Maghirang, at Shigred Erigbuagas.
Isinailalim na rin sa Immigration Lookout Bulletin Order ang naturang mga nasibak na empleyado.
Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, at bribery.
Una na ring inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa naturang mga dating tauhan ng DOJ.
Facebook Comments