Anomalya sa PhilHealth patungkol sa remittances, matagal nang naresolba

Iginiit ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na naresolba na ang akusasyon ni Atty. Harry Roque na mayroong maanomalyang remittances sa ahensya matapos itong madiskubre noong 2012.

Isiniwalat ni Roque na may ‘modus’ kung saan isang private employer ang nag-remit sa ahensya ng 100 Milyong piso sa pamamagitan ng bangko pero ang pera ay hindi nakarating.

Itinuturo ni Roque ang Information Technology (IT) Department ng PhilHealth na responsable sa no-remittance.


Ayon kay PhilHealth Senior Vice President at I-T Management Department Head, Atty. Rodolfo Del Rosario, ang insidente ay isa lamang “fictitious crediting o contribution.”

Aniya, walang aktwal na naibayad sa bangko pero pagdating sa PhilHealth Database, na-modify ito.

Dagdag pa ni Del Rosario, kinasuhan na ang mga nasa likod nito at nasibak na sa serbisyo.

Facebook Comments