Anomalya sa PhilHealth, pinapa-imbestigahan ni Senator Bong Go sa Ombudsman

33

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go sa Ombudsman na imbestigahan kung sino ang mga dapat managot sa alegasyon ng korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.


Sinabi ni Go na kailangang matumbok at maparusahan ang mga nasa likod ng sinasabing mafia sa PhilHealth, dahil hindi katanggap-tanggap na habang nahaharap ang bansa sa health crisis ay may anomalya pa sa ahensya na dapat ay tumutulong sa sambayanan.

Inihayag ni Go na handa ang pamahalaan na tulungan ang PhilHealth para matuloy ang implementasyon ng Universal Health Care.
“I Iurge the Ombudsman to investigate para malaman natin kung sino ang dapat managot. Get to the bottom of this mess. Kailangan nating malaman kung sino ang mga nasa likod ng kalokohang ito kung meron mang mafia, kung sino ang mga taong ito. Handa ang gobyerno na tulungan ang PhilHealth kung kailangan ng pondo pero dapat managot ang mga taong sangkot sa pagnanakaw ng pondo.” ayon kay Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go.

Facebook Comments