ANOMALYA SA PONDO | Halos 40 lokal na pamahalaan, pinaiimbestigahan ng DILG

Manila, Philippines – Nasa 37 Local Government Units o LGUs ang pinaiimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa Philippine National Police-Criminal dahil sa maanomalyang paggamit ng pondo.

Ito ay bahagi ng programa ng DILG na bantay korapsyon na inilunsad dalawang linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay DILG Spokesperson Assistant Secretary Jonathan Malaya, ginamit nilang bayaran ang mga natanggap nilang sumbong mula sa government hotline na 8888.


Kabilang aniya rito ang hindi pagsasagawa ng bidding sa ilang proyekto, pag-abuso sa kapangyarihan, ilegal na paglalabas at paggamit ng pondo.

Gayunman, tumanggi si Malaya na isapubliko ang mga nasabing LGU para sa kaukulang proseso.

Facebook Comments