ANOMALYA | Tatlong empleyado ng DOJ na sangkot sa maanomalyang pagproseso ng visa sa mga Chinese nationals, kinasuhan na

Manila, Philippines – Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong empleyado ng Dept. of Justice (DOJ) dahil sa maanomalyang pagproseso ng visa.

Sinampahan ng kasong paglabag sa article 171 ng revised penal code Shigred Eribuagas, Abvic Ryan Maghirang at Cyruz Morata.

Sinibak na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang tatlo at inilagay sa immigration lookout bulleting order.


Aminado ang mga tauhang sinibak na dawit sila sa pagproseso ng immigration quota visa ng anim na Chinese nationals kapalit ng malaking halaga.

Facebook Comments