Anomang kahihinatnan ng plebesito sa February 6, sasangayunan ni Pangulong Duterte – Malacañang

Manila, Philippines – Ipinauubaya nalang ng Palasyo ng Malacañang sa mga residente ng Lanao del Norte at North Cotabato kung gusto ng mga ito na mapasama sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng nakatakdang Plebesito sa lugar sa darating na Febuary 6.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sasangayon ang Pangulo sa anomang magiging resulta ng plebesito sa dalawang lalawigan sa darating na Miyerkules.


Nabatid na ang ikalawang pelbesito ay gagawin sa Lanao del Norte maliban sa Iligan City, kabilang din naman sa magkakaroon ng plebesito ang mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan na pawang mula sa North Cotabato.

Facebook Comments