Target ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na buksan sa mga biyahero sa unang kwarter ng 2021 ang Santolan, Katipunan at Anonas station ng LRT Line 2.
Nabatid na nagpapatupad lamang ang LRT-2 ng limited operations mula Recto sa Maynila hanggang Araneta City Cubao Station sa Quezon City matapos suspendihin ang operasyon ng tatlong istasyon mula noong October 2019 dahil sa sunog sa dalawang rectifier substations.
Kaugnay nito, ang dalawang bagong istasyon sa ilalim ng LRT-2 East Extension Project: ang Emerald Station sa Marikina City at Masinag Station sa Antipolo ay bubuksan sa Abril.
Kapag natapos ang extension, ang biyahe mula Recto patungong Masinag ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong oras na biyahe sakay ang bus o jeepney.
Nasa 80,000 pasahero kada araw ang kaya nitong i-accommodate, dagdag sa kasalukuyang daily ridership ng LRT-2 na nasa 240,000 na pasahero.