Anong ginagawa ng mga sawi sa pag-ibig o brokenhearted para makapag-move on?

873

Gusto ng makalimot pero hindi alam ang gagawin? Ito ang ilan sa mga ginagawa para tuluyan mo ng makalimutan ang taong sinaktan ka:
1. Umiinom ng alak o naglalasing Sabi kasi nila, nawawala raw ang sakit kapag ibinuhos mo sa alak ang pait na naranasan mo. Swak ang pagka-bitter mo sa pait ng iniinom mo.
2. Kumakain ng marami o stress eating Food is love kumbaga. Iwan ka man ng taong minahal mo at iniwan ka, ang pagkain hinding-hindi ka iiwan. Ikain mo na lang yan.
3. Nagpapagupit o Make-over Usong-uso lalo na sa mga babae ang magpagupit at magpaikli ng buhok tuwing broken. Magpaganda, magpapogi at ayusin mo na lang ang sarili mo para maka-attract ng taong maaaring tunay na magmamahal sa’yo.
4. Nagta-travel Kung saan-saang lugar na magpunta para makalimutan mo siya. Isigaw mo ang pangalan niya sa mataas na bundok o di kaya ay lunurin ang mga alaala sa ilalim ng dagat. Malay mo, may makilala ka ring bago sa kakapunta mo sa kung saan-saan.
5. Focus sa trabaho o sa career Ang pinakamagandang paraan ng pagmomove on ay pagiging focus sa career. Magpayaman, gawin ang mga pangarap at gustong ma-achieve sa buhay. Dito mo maaattract ang mga tamang tao sa buhay mo.

Facebook Comments

From Advertisers