Wednesday, January 28, 2026

Anonymous text message sa mga reporters tungkol sa paglala ng kalusugan ni PBBM, mariing pinasinungalingan ng Palasyo

Nakatanggap ng isang anonymous o “unknown” text message ang ilang reporter ng Malacañang media na nagsasabing lumala umano ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakasaad sa mensahe na lumala ang diverticulitis ng Pangulo at may nakita pa raw na cyst na posibleng magdulot ng seryosong komplikasyon kung hindi agad magagamot.

Mariin namang pinabulaanan ng Malacañang ang impormasyong ito.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro na gawa-gawa lamang ang kumakalat na balita at nagmula pa sa hindi kilalang source.

Samantala, hindi pa rin tiyak ng Palasyo kung muling haharap sa publiko ang pangulo ngayong linggo.

Paliwanag ni Castro, patuloy pa ring ipinagpapahinga si Pangulong Marcos, ngunit nananatiling nakaantabay sa mga gawain ng pamahalaan at dumadalo sa mga pribadong pulong.

Facebook Comments