Manila, Philippines – Bukas si Pokwang sa posibilidad na masundan ang bunsong anak nila ni Lee O’brian na si Malia.
Pero say ng 45-year old comedienne – bahala na si Lord kung bibigyan pa siya ulit ng anak sa kabila ng kanyang edad.
Pag-amin ni pokwang, isang tao’t dalawang buwan na raw silang hindi nagsisiping ni Lee.
Paliwanag naman ng kanyang American partner – meron naman silang mga romantic moments pero pass muna sa love making dahil nagre-recover pa rin mula sa panganganak si Pokwang.
Bukod sa pareho silang busy sa kani-kanilang proyekto on screen, tutok daw muna sila sa pag-aalaga kay Malia.
Sa ilang interview, una nang sinabi ni Lee na gusto pa niyang magkaanak ulit pero depende ito kay Pokwang.
Facebook Comments