ANOTHER BLESSING | Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, may second baby na!

Manila, Philippines – Buntis para sa kanilang second baby ang celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Ang magandang balita ay ibinahagi ni Jennica sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng family photo nila nina Alywn at two-year old daughter na si Mori.

Sa naturang larawan, makikitang nakahawak sa baby bump ni Jennica si Alwyn.


Sa caption, sinabi rin ng aktres na target pa nilang masundan ng tatlong tsikiting ang binubuo nilang malaking pamilya.

February 2014 nang ikasal sina Alwyn at Jennica.

Samantala, bininyagan na kahapon ang panganay nina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Si Baby Talitha ay bininyagan sa St. James The Great Parish sa Muntinlupa City kung saan din nag-isang dibdib ang mag-asawa.

Facebook Comments