Año,umaasa na magbabago pa ang pagbabawal ni PRRD sa gabinete na huwag magtungo sa US

Umaasa si Interior Secretary Eduardo Año na maaaring magbago pa sa susunod na mga araw ang direktiba ni Pantulong Duterte sa mga miyembro nn gabinete na wag na munang magtungo sa Estados Unidos

Ani Año, magkaroon pa ng paglilinaw si Pangulong Duterte hinggil sa pagbabawal kasunod na rin ng pagkansela ng amerika sa visa ni Senador Ronald Dela Rosa.

Dagdag ni Año, posibleng magkaroon pa ng exemptions sa utos ng PANGULO.


Inihalimbawa ni Año ang posibleng pangangailangan ng ibang miyembro ng gabinete na magpagamot sa amerika kung silay may malubhang karamdaman.

Gayunman, aminado ang kalihim na sa ngayon, wala silang magagawa kundi sumunod na direktiba ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments