Target na maitaas ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang antas ng pamumuhay ng mga taga-probinsya.
Pagtitibayin din ang Magna Carta for the Poor kung saan nakapaloob ang karapatan ng mga mahihirap na mabigyan ng hanapbuhay.
Ayon kay NAPC Director III John Laña, isa sa policy recommendation nila sa mga Local Government Units ay ang pagbuo ng Provincial People’s Industry sa mga probinsya upang lumikha ng industriya ng mapagkakakitaan.
Inatasan naman ni DILG Sec. Eduardo Año ang mga LGU na suportahan ang plano ng NAPC upang tugunan ang problema sa kahirapan na kalimitang ginagamit ng mga makakaliwang grupo laban sa pamahalaan.
Sa ganitong paraan, inaasahang makakamit ng NAPC na maisalba ang nasa anim na Milyong Pilipino sa kahirapan pagdating ng 2023.