Pag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) kung paano maitataas ang antas ng curriculum sa kursong agrikultura.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ito ay para mas maraming kabataan ang kumuha ng kurso sa pagsasaka.
Magiging mas bata aniya ang mga magsasaka sa hinaharap kung mahihimok ang mga ito na pumasok sa larangan ng agrikultura nang may insentibo.
Sa ilalim din ng babaguhin agriculture curriculum, tuturuan ang mga kabataan ng mga paraan kung papano magpatubo ng mga pananim gamit ang mga makabagong teknolohiya at kagamitang pambukid.
Bukod dito, ituturo rin kung papano sila kikita nang malaki sa pagsasaka at pangingisda sa pamamagitan ng paggamit ng green house, at tamang paggamit ng fertilizers.
Facebook Comments