Inihayag ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis sa antas na 2.3% ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa.
Ayon sa PSA mas mataas ito sa naitalang 1.9% ng inflation noong buwan ng Setyembre at napasama rito ang average inflation mula Enero hanggang Oktubre 2024 sa 3.3%.
Paliwanag pa ng PSA, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na may 95.4 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Anila ang pinakamalaking dahilan nito ang mabilis na pagtaas ng presyo ng cereal products sa antas na 7.5% inflation.
Malaki rin ang naiambag sa pangkalahatang inflation ang housing, water, electricity, gas, fuels at restaurants sa overall inflation sa buwan ng Oktubre.