Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na pagbaba ng krimen sa bansa.
Batay sa Peace and Order Indicator ng PNP mula January 1 hanggang March 13, 2023, bumaba ng 8.51 percent ang krimen sa bansa.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., mula sa 15,064 na krimen na naitala noong kaparehong panahon noong isang taon, ngayon ay bumaba ito sa 13,469.
Samantala, naitala rin ang pagbaba sa focus crimes, tulad ng murder, homicide, physical injury, robbery, theft, rape, at carnapping.
Base sa datos, bumaba ito ng 10.66%, mula sa 14,990 cases noong 2022 sa 13,392 cases ngayong 2023.
Ang physical injury naman ang nakapagtala ng pinakamataas na pagbaba ng kaso na mula 2,142 incidents nuong 2022 sa 1,592 cases ngayong 2023.
Ani Acorda, ang patuloy na pagbaba ng krimen sa bansa ay bunsod ng kaliwa’t kanang operasyon ng kapulisan, pagpapaigting ng police visibility, intelligence-driven operations, community-based programs, pagpapalakas ng ugnayan ng PNP sa iba pang ahensya ng pamahalaan at ang pagpapahusay sa crime reporting and monitoring systems.